my heart lives in my pen...

„mga tala sa lupa„
Monday September 19, 2011

„mga tala sa lupa„

(via landscapelifescape)

Permalink
maghintay ka lang„balang araw„
Monday September 19, 2011

maghintay ka lang„balang araw„

(Source: cornersoftheworld)

Permalink

regalo

Saturday September 3, 2011

di ba naging sapat na ako’y naging totoo„?

di ba naging sapat na ako’y naging ako„?

di ba naging sapat ang ibang titig kong sayo lang ibinaling„?

di ba naging sapat ang ibang ngiti kong sayo lang inihain„?

mula pag-inat hanggang paghikab„

ikaw ang laman„

umaapaw na„

madalas pang  natitigilan„

lagi na lang may nakakalimutan„

magsisipilyo kutsara ang hawak„

kalahati ng katawan iba ang balak„

nabasa ko na ang dalawang pahina„

wala naman akong naintindihan„

gumawa naman ako ng paraan„

nagisip ka nga ba ng dahilan„?

pasensya na nasabi ko yun„

masisisi mo ba kita kung ganon„?

alam kong wala akong karapatan„

pero sana naman„sana man lang„

gumawa ka ng batas„

kailangan ko ba yun putulin„?

kung sa pinto mo e ayaw mo kong papasukin„

gusto ko lang naman na tayo’y mapagisa„

malaman ko man lang ang kulay ng yong mga mata„

masyado lang yata akong tumatanda„

habang tumatagal lalong walang magawa„

mayakap man lang kita„

kahit huli na„

masabi ko lang na ikaw at ako’y minsang naging isa„

ikaw na„

ang pinakamagandang regalong aking natanggap„

…na di ko nabuksan„

di nga siguro naging sapat na ako’y naging totoo„

di nga siguro naging sapat na ako’y naging ako„

di nga siguro naging sapat ang ibang titig kong sayo lang ibinaling„

di nga siguro naging sapat ang ibang ngiti kong sayo lang inihain„

pero…

…salamat…

…pinasaya mo ko…

…salamat…

„wala kang karapatang sabihan ang isang tao na maghilom siya„kung ikaw naman pala may gawa ng sugat nya„
Wednesday May 25, 2011
„wag mong basta-basta ginagago ang isang gago„dahil di mo alam kung ga’no siya kagago„at baka ikaw na pala ang nagagago„
Wednesday May 25, 2011

swabeng alaala

Thursday March 17, 2011

napanaginipan kita„
nagusap tayo sa mata„
pero biglang nawala„
ako ay nagising na pala„
nagtanggal ng muta„
antok ay bigla ring nawala„
alas tres ng umaga„
ngayon ako’y nakatunganga„
magdamag nakahiga„
naisipang magbasa basa„
pero di pa rin umubra„
isa’t kalahating oras napanis na„
pumunta sa silangan ng maynila„
doon nagbisikleta„
naks umulan pa„
lalong ansaya„
sige ilakas mo pa„
ngayon ako’y basang basa„
ako’y nagbalik bata„
umuwing tuwang tuwa„
at ako’y nagugutom na„
pandesal ang sigaw ng bata„
ilan po kuya„
pagbilan mo kong labinlima„
kape ang aking tinimpla„
maliit na pandesal peanut butter pinagkasya„
pagkasawsaw shoot sa bunganga„
ako nanaman ay nagbalik bata„
parang pelikula„
dagang nagluluto ang bida„
almusal ko rin noong elementarya„
di ako makapaniwala„
nakaraan ay naibabalik rin pala„

05/27/10

past is past kahit wala kaming past„„„so please„„,maliwanag na„?
Wednesday March 9, 2011

past is past kahit wala kaming past„„„so please„„,maliwanag na„?

Permalink
kahit na ayaw na ayaw mo’t nakakainis nang magpaliwanag„dadating at dadating ang oras na kailangan mong ipaliwanag sa isang tao ang mga bagay bagay„
Wednesday March 9, 2011

lumang tugtugin

Friday March 4, 2011

paulit-ulit„paulit-ulit„parang sirang plaka„parang sirang plaka„chubibo„chubibo„dito ba pila ng tikling„?dito ba pila ng tikling„stereotype„stereotype„paikot-ikot„paikot-ikot„cliche„cliche„ang cute mo„ang cute mo„echolalia„echolalia„ano klase mo„?ano klase mo„?parang tanga„parang tanga„korni na„korni na„di na tunay„di na tunay„platitude„platitude„ang tren na to ay hanggang sa recto„ang tren na to ay hanggang sa recto„nakakapraning„nakakapraning„kumain ka na ba„?kumain ka na ba„?pekeng plastik„pekeng plastik„scroll up„scroll down„scroll up„scroll down„bromide„bromide„may pasok ba„?may pasok ba„?nakakasuka„nakakasuka„may asayment ka na„?my asayment ka na„?commonplace„commonplace„ate extra rice„ate extra rice„gasgas na ang cd„gasgas na ang cd„trite„trite„nakakaaning„nakakaaning„I.D mo„?I.D.„?dirty yan„dirty yan„echo„echo„aaaa tikling junction angono taytay vista berde„aaaa tikling junction angono taytay vista berde„gin pomelo„gin pomelo„alingawngaw„alingawngaw„kamusta araw mo„?kamusta araw mo„?ok lang, ikaw„?ok lang, ikaw„?hahaha„ganun talaga„hahaha„ganun talaga„masaya e„masaya e„may angal ka„?may angal ka„?totoo ba yan„?totoo ba yan„?sarkastik„sarkastik„im ok„im ok„pasensya na„pasensya na„walang magawa e„walang magawa e„haha„haha„pengeng yellow pad„pengeng yellow pad„just keep swimming„just keep swimming„

11/26/09

sell fish with cheese

Friday March 4, 2011

namimiss ko na ang aking iba’t ibang ngiti„
namimiss ko na ang aking iba’t ibang tawa„
namimiss ko na ang aking salita„ang aking pagsasalita„
namimiss ko na ang aking mga mata„ang aking mga tingin„
namimiss ko na ang aking kwento„
namimiss ko na ang aking lakad„
namimiss ko na ang aking mga galaw„
namimiss ko na ang aking oras„minuto„segundo„
namimiss ko na mga nangyari sakin„
namimiss ko na ang aking sarili„
napakamakasarili ko no„?

namimiss ko na ang mga ito„

kasama ka„

dahil nagyayari lang ang mga ito kapag„

03/29/10

Next Page »